Katahimikan

Posted by Gen Omapas , Monday, August 24, 2009 Monday, August 24, 2009

Katahimikan

Itaga mo na sa bato
ang pagsalangsang nang aking mga buto.
Di ako matitinag at matatakot
sa paghampas nang pintuan
sa iyong pag-alis.
Iwan mo na ako.
Iwan mo na ako sa sulok
nang aking pagiisa.
Basagin na ang salamin
na nagiiwan nang mga alaala
ng mga ngiting nagbabalakat kayo.
Di mawawala ang bigat nang luha
sa mga matang na dati
sa iyo ang tagpuan.

Umalis ka na
sa ingay nang aking katahimikan.

Alon

Sa kanyang bisig sariwa ang alaala.
Alalang nagkukubli sa liwanag nang aking isipan.
Sa tahimik na batis nang aking pagiisa,
wangis nang mukha moy umaalon'g malaya.
Sa yakap nang tubig sana'y di na makawala .


-- G Omapas

0 Response to "Katahimikan"

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails